-- Advertisements --

Sugatan ang 14 na katao matapos na sila ay pagsasaksakin ng isang lalaki sa South Korea.

Ayon sa mga otoridad, na unang sinasagasaan ng suspek ang mga naglalakad sa kalsada bago nito pagsasaksakin sa subway station sa Seongnam city.

Siyam ang sinaksak sa lugar habang lima ang nasugatan matapos na sila ay sagasaan.

Sa 14 na mga biktima ay mayroong 12 sa kanila ang nasa malubhang kalagayan.

Naaresto naman ng mga kapulisan ang suspek sa nasabing insidente.