-- Advertisements --
Nasa 14 katao ang nasawi matapos araruhin ng kotse ang kumpulan ng mga tao sa sikat na carnival sa Calabar City, Nigeria.
Sa inisyal na imbestigasyon ay nawalan ng kontrol ang driver kaya sinagasaan ang mga tao.
Dinala naman sa pagamutan ang ilang biktima na nagtamo ng sugat sa kanilang mga katawan.
Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.
Ang taunang carnival ay isang buwang ipinagdiriwang na dinarayo ng mga tao mula ng simulan ito noong 2004.
Dumami ang tao ngayong dahil ito ay nahinto ng dalawang taon bunsod ng COVID-19 pandemic.