-- Advertisements --

Nasa 14 katao ang nasawi at marami ang nasugatan sa malawakang sunog sa oil depot sa Jakarta, Indonesia.

Sinabi ni army chief of staff Dudung Abdurachman na aabot sa 42 katao ang itinakbo nila sa iba’t-ibang pagamutan.

Ang nasabing pasilidad ay pinapatakbo ng state energy firm na Pertamina.

Dahil sa nasabing sunog ay napilitan ang mga naninirahang malapit sa lugar na lumikas.

Tumulong na rin ang iba’t-ibang bumbero sa katabing probinsiya ng Jakarta para tuluyang maapula ang sunog.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa naganap na sunog.