-- Advertisements --
Nasa 14 katao ang nasawi sa naganap na pagsabog ng bomba sa Kabul, Afghanistan.
Ito na ang pangalawang pag-atake na ang target ay mga Shiite.
Nagpatuloy ang serye ng pagbomba mula ng manungkulan ang Taliban sa Afghanistan noong Agosto 2021.
Base sa mga kapulisan na hindi bababa sa 10 katao ang nasawi at 15 ang sugatan.
Sa hiwalay din na insidente ay nasa apat katao ang patay habang 18 ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa Kunduz City.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad isang bomba ang inilagay sa bisikleta at tinarget ang mga sasakyan.
Wala pa ng grupong umako sa nasabing insidente.