-- Advertisements --
Aabot sa 14 katao ang nasawi habang maraming mga inmates ang tumakas ng atakihin ng armadong kalalakihan ang prison facility sa Mexico.
Lulan ng mga armoured vehicle ang suspek ng pinagbabaril ang mga guwardiya ng Chihuahua state prison.
Patay sa insidente ang 10 guwardiya at apat na inmates.
Pinaniniwalaang mga miyembro ng drug cartel ang mga lumusob na suspek na itinakas ang mga kasamahan nilang nakakulong.
Pinaghahanap na rin ng mga otoridad ang nakatakas na 24 inmates.