Hindi bababa sa 14 katao ang nasawi at 124 pa ang nawawala matapos bumigay ang isang dekada nang lake barrier sa Hualien County, Taiwan noong Martes, Setyembre 23 bunsod ng matinding pag-ulan dala ng Super Typhoon Ragasa (dating Nando), ayon sa lokal na pamahalaan.
Batay sa kwento ng mga nakaligtas sa insidente halos nag mistulang putik lawa ang rumagasa sa kanilang mga tahanan kung saan nawasak din ang isang tulay sa nabanggit na lugar dahilan para matangay ang ilang bahagi ng isang bayan sa Kuang Fu Township.
Kinumpirma naman ni Lee Kuan-ting, tagapagsalita ng Hualien County Government, na 18 ang sugatan, habang nagpapatuloy ang search and rescue operations.
Batay naman sa National Fire Agency ng bansa, umabot na sa 7,600 katao ang nailikas sa buong Taiwan dahil sa bagyo.
Kaugnay nito naglabas din ng mga video ang mga awtoridad na nagpapakita ng mga pagbaha sa ilang kalsada, paglubog ng mga sasakyan, at mga nabuwal na puno.