Isinugod sa pagamutan ang 14 na kabataan dahil sa chlorine inhalation sa isang resort sa Pandi, Bulacan kaninang umaga.

Sinabi ni Police Major Avelino Protacio Jr., naganap ang insidente sa Sitio Antonio Resort sa Barangay Bagong Barrio.

-- Advertisement --

Napag-alamang 10 sa 14 teenagers ay nakauwi na rin.

Ang tatlo ay nananatili sa Rogaciano Memorial Hospital sa Sta. Maria, Bulacan habang ang isa ay nasa Bulacan Provincial Hospital sa Malolos City.

Parehong nasa stable condition naman ang apat pang natitira sa pagamutan.