Naglatag na ng hakbang ang Department of Health (DOH) kaugnay ng naitalang local transmission ng COVID-19 sa isang Sitio sa Cebu City.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, katuwang nila ang Center for Health Development-Region 7 para masiguro ng local government unit ang monitoring ng Sitio Zapatera, Brgy. Bario Luz.
“Sinisiguro po natin na may mga sasakyan tayong gagamitin kung ang pasyente ay nangangailang dalhin sa pinaka-malapit na Enhanced Influenza-Like Illness (ILI) Community Monitoring Facility or isolation
facility.”
“Nagtayo na rin po tayo ng Outpost sa isang immediate vicinity sa labas ng Sitio para sa ating mga Medical and Secuity Centers.”
Inamin ni Usec. Vergeire na mula sa 9,000 residente ng Sitio Zapatera ay may 135 na nag-test positive sa COVID-19.
“Sa 135 po na nagpositibo, 74 o 55% ang babae. Ang edad naman po ng pinakabatang pasyente ay 8 months old, samantalang ang pinaka-matanda po ay 79.”
“Karamihan po sa kanila ay edad 51-60 years old at walang history of travel kasama ang isang taong exposed sa COVID-19.”
Kaugnay nito, tiniyak ng opisyal na may kakayahan ang partner ng tanggapan ng DOH para makakuha ng specimen mula sa mga residente at maisalalim sa testing.