-- Advertisements --

Nasa 13 katao ang nasawi matapos ang pagtama ng missile ng Russia sa Zaporizhzhia city ng Ukraine.

Ayon sa mga opisyal ng Ukraine na maraming katao ang nasugatan habang natamaan rin ang ilang gusali.

Ang nasabing lugar ay nasa kontrol ng Ukraine subalit kasama itong inangkin na ng Russia base sa kanilang ginawang annexation.

Matatagpuan rin sa lugar ang nuclear power plant na ito ay kinokontrol na umano ng mga sundalo ng Russia.

Noong nakaraang mga araw ay makailang beses na rin na tinamaan ng missile ng Russia ang lugar.