-- Advertisements --

Hindi baba sa 13 ka tao ang nasawi at 38 ang sugatan sa eastern Indonesia, kahapon, Linggo, dahil sa isang pagsabog sa isang Chinese-funded nickel-processing plant, ayon sa may-ari ng industrial park na nagho-host sa facility.

Ang isla ng Sulawesi ay isang hub para sa mineral-rich country’s production ng nickel, isang base metal na ginagamit para sa electric vehicle batteries at stainless steel, at Beijing’s growing investment ay nagdulot ng kaguluhan sa working conditions sa mga pasilidad nito.

Naganap ang aksidente bandang 5:30 am (2130 GMT Sabado) sa isang planta na pag-aari ng PT Indonesia Tsingshan Stainless Steel (ITSS) sa Morowali Industrial Park sa lalawigan ng Central Sulawesi, ayon sa tagapagsalita ng complex.

Kinilala ang mga namatay na walong Indonesian at limang Chinese workers.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagpakita na ang pagsabog ay nangyari sa panahon ng pagkukumpuni sa isang furnace, nang ang isang flammable liquid ay nag-apoy at ang kasunod na pagsabog ay naging sanhi ng pagsabog din ng mga kalapit na tangke ng oxygen, ayon sa opisyal.

Naapula ang apoy Linggo ng umaga, ayon sa pahayag.

Ang Tsingshan Holding Group, ang pinakamalaking producer ng nickel sa mundo at pinakamalaking stainless steelmaker sa China, ang may hawak ng mayoryang stake sa PT Indonesia Tsingshan Stainless Steel (ITSS).

Ang ITSS ay isang tenant sa industrial park, na karamihan ay pag-aari ni Tsingshan kasama ng lokal na kasosyo na si Bintang Delapan.