Negatibo mula sa COVID-19 ang 125 immigration officers na naka-deploy sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos sumailalim sa rapid anti-body test.
Ayon kay Immigrations port operations division chief Grifton Medina, prayoridad ng testing sa kanilang hanay ang mga opisyal na nagkaroon ng direct contact sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Pati na mga buntis, senior citizen at BI officials na may iba pang iniindang karamdaman.
Sakop din ng priority testing ang mga nagpo-proseso ng repatriation flights, primary at secondary inspectors.
May 206 NAIA immigation officials nang sumailalim noon sa test, kasama ang 150 main office personnel na nag-negative din sa COVID-19.
Ipina-test na rin daw ng BI ang 159 na at-risk detainees at personnel nito sa kanilang Bicutan detention facility.
“Thankfully, all tested negative during the rapid testing, but this does not mean that we will lower our guard,” ani Immigration commissioner Jaime Morente.
“We have strict protocols in the use of PPEs (personal protective equipment) in the conduct of our officers’ duties, as well as the implementation of strict social distancing in all our offices.”
Sa ngayon nananatiling negatibo ang lahat ng Immigration officials, batay sa kanilang record.
Itinututing na “gold standard” ng World Health Organization ang paggamit ng RT-PCR testing para sa mga suspected at probable COVID-19 cases.