Reading Time: 1 minute

Abot-langit ang pasasalamat ni Tatay Jimmy Montero sa Hospital on Wheels na isa sa partner ng Bombo Radyo at Star FM para sa Bombo Medico 2019 matapos ang matagumpay na cleft lip surgery ng kaniyang 14-anyos na anak.

Labing-apat na taon nang iniinda ng Grade 9 student na si Jamie Montero ang kaniyang bingot na naging dahilan upang maging tampulan ito ng pang-aasar ng kaniyang mga ka-eskwela.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Tatay Jimmy, labis ang kaniyang saya na nararamdaman dahil sa wakas daw ay naibsan na ang pino-problema ng kaniyang anak.

Ang tinig ni Tatay Jim.

Umabot naman sa 122 successful operations ang naisagawa ng Hospital on Wheels na pinamunuan Dr. Jim Sanchez katulong ang tatlong pang doktor ng RP Healthcraft Carrier.

Hindi naman inaasahan ni Manoy August Vergara, dating news anchor ng Bombo Radyo at ngayon ay Chief Executive ng “Hospital on Wheels” na dadagsain ng maraming pasyente ang kauna-unahang “Hospital on Wheels” sa Bombo Medico 2019.

Ang tinig ni Manoy August Vergara.