Pumalo na sa 12 pulis o isang dosena ang nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Sa statement na inilabas ng Philippine National Police, ang latest fatality ay isang 49-year-old policewoman na naka assigned sa PNP Financial Service na pumanaw nuong August 4,2020.
Sa datos ng PNP Health Service, nasa 25 bagong cases ang naitala: NOSU-2, NCRPO -20 at PRO4A -3.
Sa ngayon sumampa na sa 2,459 Covid-19 cases ang naitala sa PNP.
Nasa 1,494 personnel naman ang naka rekober sa nasabing sakit, mahigpit naman mino monitor ng PNP ang 875 probable cases at 2,584 suspected cases.
Una ng sinabi ni PNP spokesperson, Brig. Gen. Bernard Banac, karamihan sa mga pulis na nagpositibo sa Covid-19 ay asymptomatic.
Pinatitiyak naman ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa na napapangalagaan ang kalusugan ng mga pulis lalo na yung mga frontliners na nagmamando ng mga quarantine checkpoints.