-- Advertisements --

Hawak na ngayon ng Bureau of Immigration (BI) officers ang 12 Pinoy na naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang mga Pinoy ay hinihinalang mga biktima ng human trafficking na tinangkang makalabas sa bansa bilang turista.

Ayon kay travel control and enforcement unit (TCEU) Chief Timotea Barizo ang 12 Pinoy ay kinabibilangan ng dalawang menorde-edad na may dalang kumpletong dokumento pero nagkaroon ng misrepresentation sa kanilang edad.

Kasabay nito pinapurihan naman ni Imigration Commissioner Jaime Morente ang mga officers ng BI-NAIA dahil sa pagiging alerto ng mga ito kaya hindi nakalabas sa bansa ang mga biktima.

Pinaalalahanan naman ni Morente ang mga tauhan ng BI na huwag mag-relax sa trabaho at maging mapagpatyag pa rin sa pag-detect at pag-rescue sa mga a biktima ng human trafficking at illegal recruitment.

Dagdag ni Morente, asahan na raw ang pananamantala ng mga human traffickers ngayong papalapit na ang Pasko dahil na rin sa pagbuhos ng mga pasahero sa mga paliparan.