Ipinahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang Bulkang Kanlaon ay nananatili sa Alert Level 2 matapos makapagtala ng serye ng aktibidad nitong mga nakaraang araw.
Naitala ang 12 pagbuga ng abo na tumagal mula 4 hanggang 101 minuto, habang nakapagtala rin ng 18 volcanic earthquakes kabilang ang 11 volcanic tremors na may haba ng tatlo hanggang 101 minuto.
Bukod dito, umabot sa 979 tonelada bawat araw ang sulfur dioxide na ibinuga ng bulkan noong 15 Hunyo 2026. Nakita rin ang plume o singaw na may taas na 700 metro, katamtamang pagsingaw, at napadpad sa kanluran-timog-kanluran.
Dagdag pa rito, may nakitang pamamaga ng bulkan na indikasyon ng pag-akyat ng magma.
Pinapayuhan ang publiko na iwasan ang paglapit sa 4-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng bulkan dahil sa panganib ng biglaang pagbuga ng abo, volcanic tremors, at iba pang posibleng pagputok.
















