-- Advertisements --
Nakatakdang ianunsiyo ng national team Gilas Pilipinas ang final 12-man lineup bago tumulak papunta ng Hanoi sa Vietnam para sa gaganaping 31st Southeast Asian Games.
Ayon kay team manager Butch Antonio, si coach Chot Reyes ang magsasagawa ng anunsiyo sa national team roster ng mas maaga bilang bahagi na rin ng patakaran ng SEA Games.
Ang Gilas team ay aalis ng Pilipinas sa May 13.
Sa ngayon ang Gilas pool ay binubuo ng 16 na players.
Kabilang dito ang mga veteran PBA superstar na sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Roger Pogoy, Troy Rosario, Poy Erram, Matthew Wright, Kevin Alas, Robert Bolick, Kib Montalbo, Mo Tautuaa, Isaac Go, Will Navarro at sina Thirdy Ravena at Dwight Ramos na manggagaling pa sa Japan B. League.