-- Advertisements --
Patay ang 12 katao matapos matapos ang naganap na mass shooting sa Montenegro.
Kabilang sa nasawi ang dalawang bata at ang gunman.
Sinabi ni state prosecutor Andrijana Nastic na pagdating nila sa lugar ay mayroong siyam agad ang nasawi habang dalawa ang nalagutan ng hininga sa pagamutan.
Sa inisyal na imbestigasyon ay isang lalaki mula sa bayan ng Cetinje ang bigla na lamang namaril sa kaniyang mga kapitbahay.
Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pamamaril.