Nasawi ang 12 katao matapos ang pinakabagong pagpapaulan ng air strikes ng Russia ang mga kabisera ng Ukraine kabilang na ang Kyiv.
Nasa 10 katao ang namatay sa central city ng Uman matapos na tumama ang missile ng Russia sa residnetial buildings.
Iniulat din ng isang Ukrainian Mayor na isang bbae at kaniyang tatlong taong gulang na anak ang napatay sa kabisera ng Dnipro.
Narinig din ang mga pagsabog sa iba’t ibang pagsabog sa mga kabisera ng Kremenchuk and Poltava,
Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky, 10 residential buildings ang napinsla sa Uman at inihayag na nagpapakita lamang ang mga pag-atakeng ito ng Russia sa kanilang bansa ng pangangailangan ng karagdagang international action laban sa Russia.
Sinabi din ng Kyiv city military administration na ito ang kauna-unahang missile attack ng Russia sa kabisera makalipas ang 51 araw.
Kung saan nasa 21 mula sa 23 air strike na pinakawalan ng Russia ay napabagsak ng air defense system ng ukraine.