(Update) LA UNION – Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang isang binatilyo na umano’y salarin sa pagpatay sa buntis at anak na paslit sa Lubao, Pampanga.

Base sa ulat ng Lubao Police, sasampahan na nila ng kasong murder ang hindi na pinangalang 12-anyos na suspek at sinasabing kaanak ng mga biktima.

May matibay na raw na hawak na ebidensya ang pulisya gaya ng isang kutsilyo na ginamit sa pananaksak at saksi na magpapatunay sa ginawang krimen ng suspek.

Lumalabas na nairita umano ang binatilyo dahil sa napagalitan ito ng biktima kaya nangyari ang pamamaslang.

Una rito, kahapon nang matagpuan ng isang Archie Montemayor na nakahandusay sa tahanan ang duguan at tadtad ng mga saksak na katawan ng 25-anyos na maybahay nito na si KC Montemayor at kanilang apat na taong gulang na anak na si Chelsie Jade.

-- Advertisement --

Nabatid din na kasalukuyang nagdadalang-tao si KC.