-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay na nang makita ang isang 12-anyos na batang lalaki matapos itong magbigti sa Brgy. Tagaytay, Magsaysay, Davao del Sur kahapon.

Ang nasabing batang biktima ang kinilalang si Alyas bugtong, 12 anyos, Grade 6 student at residente sa Prk. 3 sa nasabing barangay.

Sa inisyal na impormasyon na inilabas ng Magsaysay Police Station, nadiskubrehan na lamang si alyas Bugtong mismo sa bahay ng kanyang kapitbahay bandang alas 3:30 ng hapon kahapon kung saan nakita na lamang itong wala nang buhay habang nakabitin gamit ang lubid na nakatali sa kanyang liig.

Samantala, nagpapatuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Magsaysay PNP kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ng 12 anyos na bata o kung may foul play bang nangyari sa pagkamatay nito.