-- Advertisements --

Pumalo na sa 11,876 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas ngayong araw, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa case bulletin ng ahensya, may 258 na mga bagong naitalang kaso ngayong May 14.

Ang 188 daw sa kanila ay nai-report mula National Capital Region; 54 ang galing sa iba’t-ibang lugar; habang 16 ang sa Central Visayas.

May 86 namang bagong gumaling, na nagpaakyat sa total recoveries na 2,337.

Habang ang total deaths ay 790, bunsod ng 18 na bagong namatay.