Nagpaliwanag ngayon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa paglagay sa restrictive custody ng 11 pulis na sinibak matapos masangkot umano sa pagkawala ng mga sabungero sa Cavite.
Sa statement na inilabas ni NCRPO chief Brig. Gen. Jonnel Estomo, ang paglalagay sa restrictive custody sa 11 Regional Headquarters Support Unit officers ay dahil na rin sa bigat ng mga reklamong inihain laban sa kanila.
May kaugnayan ito sa pagkawala ng apat na sabungero.
Ang reklamo ay inihain ng National Bureau of Investigation-Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) dahil sa pagkawala ng mga sabungero sa Cavite.
Kabilang sa mga sinibak sina dating Regional Drug Enforcement Unit chief Lt. Col. Ryan Orapa; Lt. Jesus Menez; Staff Sergeants Ronald Lanaria, Ronald Montibon, Troy Paragas, Roy Pioquinito at Robert Raz Jr.; at ang mga Corporal na sina Christal Rosita, Denar Roda, Alric Natividad at Ruscel Solomon.
Kinasuhan ang mga ito ng kidnapping at serious illegal detention maging ang paglabag sa Anti-Enforced o Involuntary Disappearance Act.
Isinampa ng National Bureau of Investigation-Task Force Against Illegal Drugs ang reklamo noong October 19 matapos mawala ang mga sabungerong sina Gio at Mico Mateo, Garry Mateo Jr at Ronaldo Anonuevo sa DasmariƱas City noong April 13, 2021 kasabay ng anti-drug police operation.