-- Advertisements --

Nasa 11 katao ang nasawi sa naganap na stampede sa isang Ramadan food distribution center sa Karachi, Pakistan.

Karamihan sa mga nasawi ay mga bata at mga kababaihan kung saan marami rin ang nasugatan sa insidente.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na marami ang nag-panicke at nagsimulang magtulakan para makakuha ng mga pagkain sa labas ng isang factory.

Karamihan sa mga nasawi ay natabunan ng gumuhong pader na inakyat ng mga nais na makakuha ng pagkain.

Isinisi ng mga otoridad ang may-ari ng food factory dahil sa wala itong koordinasyon sa mga kapulisan ng isagawa ang aktibidad.

Ipinag-utos naman ni Foreign Minister Bilawal Bhutto Zardari ang malalimang imbestigasyon sa nasabing insidente.