-- Advertisements --

Umabot na sa 11 katao ang patay na kinabibilangan ng dalawang bata at suspek sa nangyaring pamamaril sa Montenegro.

Maliban sa mga namatay, nasa anim din ang sugatan sa nangyaring krimen.

Ang Montenegro ay isang bansa sa Timog-silangang Europa.

Base sa report, isang lalaki mula sa Cetinje ang nagpaputok sa kanyang mga kapitbahay pagkatapos ang hindi pagkakaunawaan ng pamilya o family dispute.

Idineklara naman ng Punong Ministro ng Montenegro na si Dritan Abazovic ang tatlong araw na pagluluksa sa kanilang bansa kaugnay sa nangyaring mass shooting.