Nasa 11 motorista sa Metro Manila ang nasampolan sa ikinasang crackdown ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) laban sa mga wang-wang.
Sa ikinasang operasyon ng HPG sa Quezon City, kabilang sa mga hinuli ay mga pribadong kotse at motorsiklo na may domelight, blinker, at flasher.
Dinakip din ng HPG ang mga gumagamit ng hindi otorisadong vanity plates.
Sa ngayon, kinumpiska lamang ng HPG ang mga wang-wang at hindi pa pinagmulta.
Ayon kay PNP HPG director Police Brigadier General, ang otorisado lamang na gumamit ng wang-wang at blinker ay Armed Forces of the Philippines, PNP, at ibang enforcement agencies partikular ang ambulansiya.
Sa panig naman ni PNP Chief Oscar Albayalde,marami silang natatanggap na reklamo na ang gumagamit ng sirens at wang-wang ay mga kandidato na ginagamit ang mga pulis.