-- Advertisements --
Mayroon 11 milyong trabaho ang naghihintay para sa information technology-business process outsourcing (IT-BPO) sa bansa sa susunod na taon.
Ayon kay IT and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) President at CEO Jack Madrid na hindi lamang sapat na marunong mag-english ang mga aplikante.
Hinahanap aniya ng mga employer ngayon ay ang may mga basic skills.
Pinayuhan din nito ang mga interesadong aplikante na mag-apply ang mga ito sa inaalok ng ibang mga kumpanya ng libreng online courses.