-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na ipinasara ng Department of Finance (DOF) dahil sa mga paglabag kaugnay ng pagbabayad ng buwis.

Nitong araw, 11 branch ng isang New Oriental Club 88 Corporation sa Parañaque City ang na-shutdown ng DOF officials, kasama ang Bureau of Internal Revenue.

Bunsod umano ito ng hindi pagiging rehistrado at paglabag sa tax law.

Ayon kay BIR deputy commissioner Arnel Guballa, tanging main office lang ng kompanya sa Makati City ang rehistrado.

Aabot sa 6,700 Chinese national ang empleyado ng naturang POGO, pero nasa 18,000 din umano ang aktwal na bilang sa buong sistema nito.

May 50 Pinoy employees din umano na nagta-trabaho bilang driver, cook at housekeeper.

Batay sa datos ng BIR, aabot sa bilyong piso ang halaga ng tax deficiency ng 11 POGO branches na kanilang ipinasara.