KALIBO, Aklan— Buhay na buhay at napuno ng kulay ang isinagawang higante contest and parade na isa sa mga inabangang aktibidad sa nagpapatuloy na week-long celebration ng Kalibo Sr. Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2023 sa lalawigan ng Aklan.
Halos hindi mahulugang karayon ang mga nanood mula bata hanggang matanda ay hindi nagpaawat na masilayang muli ang mga higante entry ng iba’t ibang bayan.
Nangibabaw ang higante ng Ibajay matapos na makuha ang unang pwesto mula sa 11 mga nagpabonggahang bayan na lumahok sa nasabing aktibidad.
Napasakamay ng mga ito ang cash prize na P150,000; pumangalawa ang munisipalidad ng Balete na may premyong P110,000; 3rd place ang lokal na pamahalaan ng New Washington na napasakamay naman ang P90,000 na premyo; pang apat na pwesto ang bayan ng Tangalan na may P80,000 cash prize at 5th place ang munisipalidad ng Numancia na nakuha naman ang premyo na P70,000.
Ang tema ngayong festival ay Tribal Ati bilang pagbalik sa face to face ng itinuturing na Mother of All Philippine Festival.
Ang taunang higante contest and parade ay pansamantalang nahinto ng halos dalawang taon dahil sa pandemya.
Sa kabilang daku, kasabay ng kanyang paanyaya, umaasa si Fr. Tudd Belandres, parish moderator ng St. John the Baptist na mananatiling maayos at walang maitalang untoward incidents hanggang matapos nga kapistahan sa linggo, Enero 15.
Layunin umano nilang magkaroon ng makabuluhan at ligtas na pagdiriwang para sa mga deboto, turista at mga bisita.