Nasa 10,000 slots ang bubuksan ng state-run Government Service Insurance System (GSIS) para sa Educational Subsidy Program para sa academic year 2022-2023.
Sa ilalim ng programang ito, nasa 10,000 college students ang magagarantiyahan ng P10,000 mula sa GSIS kada taon hanggang sa matapos ang kanilang napiling kurso.
Bahagi ng corporate social responsibility ng naturang government run social insurance institution ang naturang inisyatibo.
Para maging kwalipikado sa naturang programa, dapat na ang isang applicant ay aktibong miyembro na may permanent status, may salary grade na katumbas ng 24 o pababa, updated ang premium payments, walang underpaid o hindi nababayarang loan amortization ng hindi hihigit sa tatlong buwan.
Samantala, ayon sa GSIS kailangang mag-enrol sa 4-year o 5-year course ang mga student dependents sa anumang state o private university sa bansa basta’t ito ay kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED).
Ang programang ito ay magtatagal hanggang sa katapusan ng Agosto ngayong taon.
Home Life Style
10,000 slots para sa educational subsidy program, bubuksan ng GSIS
-- Advertisements --