Nakapagtala ang Department of Health ng 10,775 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Samantala mayroon namang naitalang 605 na gumaling at 58 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.4% (39,974) ang aktibong kaso, 96.8% (2,780,109) na ang gumaling, at 1.80% (51,662) ang namatay.
Ito na ang pinakamataas na daily reported cases mula noong Oktubre ng taong 2021.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 3, 2022 habang mayroong siyam laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng naturang mga laboratoryo ay humigit kumulang 2.2% sa lahat ng samples na naitest at 5.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Sinasabing nasa 31.7% na ang positivity rate sa bansa na maituturing na record high.