-- Advertisements --
Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng mas marami png volcanic earthquakes sa Mount Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa phivolcs, nadetect ang 107 volcanic earthquake sa Mt. Bulusan.
Nagbuga din ang bulkan ng 630 tonelada ng sulfur dioxide sa nakalipas na 24 oras.
Umakyat sa 100 metro ang taas ng moderate plume emissions ng Bulkan na napadpad sa direksyong west-northwest at northwest.
Patuloy naman ang pagpapaalala ng mga awtoridad sa mga residente sa malapit river channels sa panibagong posibleng lahar flow ngayong tag-ulan.
Nananatili pa rin sa Alert level 1 sa Mt. Bulusan na nangangahulugan na posible pa rin ang phreatic eruption.