-- Advertisements --

Kabuuang 105 indibidwal ang nahuli sa Metro Manila dahil sa paglabag sa liquor ban na nagsimula sa Mayo 8, 2022 hanggang Mayo 9, 2022, araw ng halalan ayon sa report ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO spokesperson Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson, itinuring itong paglabag sa mga batas sa halalan at naisampa na ang mga reklamo laban sa kanila.

Samantala, iniulat din ni Tecson na walang naitala ang NCRPO ng anumang marahas na insidente na may kinalaman sa eleksyon sa NCR.

Sinabi niya na ang Black Friday Protest na isinagawa ng iba’t ibang grupo sa Philippine International Convention Center (PICC) ay “maayos at mapayapa.”

Kinondena ng mga raliyista ang umano’y mga pagkukulang na ginawa ng Commission on Elections noong eleksyon.