-- Advertisements --

Nakapagtala muli ng mahigit lamang sa 200 mga bagong dinapuan ng coronavirus sa Pilipinas matapos iulat ng Department of Health (DOH) ang 237 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Ikalawa ito sa pinakamababa sa report ng DOH nitong nakalipas na Martes para sa daily tally ngayong taong 2021.

Meron ng kabuuang tinamaan ng virus sa bansa mula noong nakaraang taon sa 2,836,915.

Samantala mayroon namang naitalang 565 na mga bagong gumaling.

Ang mga nakarekober sa bansa ay umaabot na sa 2,776,273.

Ang mga aktibong kaso naman ay nasa 10,193.

Ito na ang pinakamababang active cases mula noong May 25, 2020.

May nadagdag naman sa listahan na 100 na mga pumanaw pero ang karamihan sa naturang bilang ay namatay nitong mga nakalipas na buwan.

Mayroon namang tatlong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.

“Of the 100 deaths, 14 occurred in December 2021 (14%), 32 in November 2021 (32%), 36 in October 2021 (36%), 6 in September 2021 (6%), 6 in August 2021 (6%), 2 in July 2021 (2%), 1 in June 2021 (1%), and 3 in May 2021 (3%) due to late encoding of death information to COVIDKaya. This issue is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date,” bahagi pa ng DOH advisory. “9 duplicates were removed from the total case count. Of these, 6 are recoveries and 2 are deaths. In addition, 181 cases were found to have tested negative and have been removed from the total case count. These 181 are recoveries. Moreover, 96 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”