Kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtugon ng ahensya sa utos ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na pag-apruba sa higit 1,000 pending application ng mga Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Kung maalala, ipinagutos ng ARTA kamakailan ang approval ng 1,130 na aplikasyon bilang pagsunod sa nilalaman ng Ease of Doing Business Act.
Sakop ng kautusan ang mga aplikasyon mula July 7, 2018 hanggang July 24, 2019 na sumailalim na sa paghimay ng board.
Ayon sa ARTA, sanhi ng kabi-kabilang reklamo ang nag-udyok sa kanila para utusan ang LTFRB na bigyan na ng lisensya at Certificates of Public Convenience ang mga aplikante.
Inatasan din nito ang LTFRB na silipin muli ang nilalaman ng kanilang Citizen’s Charter.