-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan ang 10 katao matapos ang salpukan ng pampasaherong jeep at van ng Philippine Navy sa Barangay Bangkal, Makati City, kagabi.

Sa imbestigasyon ng PNP, nag-overtake ang jeep kaya sumalpok ito sa parating na van.

Sinabi ni Police Chief Master Sgt. Sulpicio Monterde, nagmamadaling lumipat sa kabilang linya kaya nakabangga ang paparating na van.

Walong pasahero ng jeep ang nagtamo ng minor injuries habang dalawa naman na sakay ng van ng Philippine Navy ang itinakbo rin sa military hospital.

Kasalukuyang pinaghahanap ang driver ng jeep na si Rene Dela Cruz, na tumakas matapos ang insidente.