-- Advertisements --
Nasa 10 indibidwal ang naiulat na nasugatan matapos sumabog ang isang tanke ng tubig sa Barangay Tambo sa may bahagi ng Quirino Avenue.
Ayon sa mga testigo ang nasabing water tank ay nasa roof top ng isang building at dahil sa impact ng pagsabog nagkaroon ng damage ang ilang bahagi ng building bunsod ng mga debris.
Nadamay din ang ilang mga sasakyan na naka parada bunsod ng mga nahulog na debris.
Sa kasalukuyan iniimbestigahan na ng mga otoridad kung ano ang posibleng sanhi ng pagsabog.