-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Humihingi na ng tulong ang 10 OFWs (Oversease Filipino Workers) na stranded sa Jeddah, Saudi Arabia, matapos na ma-terminate sa trabaho dahil sa economic freeze na nararanasan sa nasabing bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Jovelyn, residente Isulan, Sultan Kudarat, at sa mga kasamahan nito, nais nila na makauwi na sa kanilang pamilya sa Pilipinas ngunit expired na ang kanilang mga “Iqama” kaya hindi makapagproseo ng tinatawag na Final Exit.

Ayon kay Jovelyan, ang pinakamasaklap ay pinabayaan na sila ng kanilang employer at agency sa Jeddah.

Buwan ng Nobyembre pa sila nawalan ng trabaho at nakatira na lamang sa accommodation kung saan pagkain lang ang nailibre sa kanila.

Ang kanilang problema ay paano matustusan ang kani-kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagpadala ng pera.

Dagdag pa nito, staff house ang kanilang agency sa Pilipinas habang A B I naman ang agency ng kasamahan nito sa accommodation.

Sa ngayon nais ng mga OFW na matulungan sila ng gobyerno na makauwi sa bansa upang makapiling ang kanilang mga pamilya.