-- Advertisements --
Pumalo na sa 10 protesters ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin ng mga security forces sa Sudan.
Ayon sa Sudanese Central Doctors Committee na karamihan sa mga protesters ay mula sa lungsod ng Khartoum, Bahri at sa lungsod ng Omdurman.
Nagsagawa ng protesta ang mga ito dahil sa pag-take-over ng militar sa pamumuno ng gobyerno noong nakaraang buwan.
Aabot din sa 70 katao ang nasugatan sa isinagawang pro-democracy protests.
Nanawagan naman ang mga protesters sa ibang bansa na tulungan sila para maibalik sa tao ang pamumuno ng kanilang gobyerno.










