-- Advertisements --

Patay ang 10 katao matapos ang pagkakasunog ng pitong palapag na apartment sa Lyon City, France.

Kabilang sa nasawi ang limang bata at isang tatlong-taong gulang na bata.

Itinakbo naman sa pagamutan ang 14 katao matapos magtamo ng sugat dahil sa insidente.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.