-- Advertisements --

Patay ang 10 katao matapos ang naganap na pamamaril sa isang hotel at dalawang bars sa Central Mexico.

Ayon sa security secretariat sa Celaya sa central Guanajuato state na pitong babae at talong lalaki ang nasawi.

Mayroon pang dalawang katao ang nasugatan rin sa insidente na agad na itinakbo ang mga ito sa pagamutan.

Sinasabing isang kilalang criminal group ang umako sa insidente.

Matapos ang pamamaril ay sinunog pa ng grupo ang nasabing lugar.