-- Advertisements --
Nasa pitong katao ang nasawi matapos ang pagyanig ng magnitude 6.6 na lindol sa Sichuan province sa China.
Ang nasabing lindol ay may lalim na 10 kilometers.
Base sa pagtaya ng US Geological Survey (USGS) na ang epicenter ng lindol ay nakita sa southeast ng Kangding City.
Nakaranas din ng magkakasunod na afterschocks ang ilang mga residente matapos ng ilang oras.
Ang nasabing lugar kasi ay laging niyayanig ng lindol dahil ito ay matatagpuan sa Langmenshan Fault na matatagpuan hanggang Sichuan mountains.