-- Advertisements --

Nasa 10 katao ang nasawi habang sugatan ang 40 iba pa ng tamaan ng missile mula sa Russia ang isang malaking mall sa Kremenchuk City, Ukraine.

Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky , na mayroong mahigit 1,000 katao ang nasa loob ng mall ng ito ay tamaan ng missile.

Inaasahang madadagdagan pa ang bilang masasawi dahil sa nasa malubhang kalagayan ang ibang mga biktima.

Magugunitang humiling ng mas maraming mga armas pandigma si Zelensky sa US at ilbang bansa bilang panlaban sa pananakop ng Russia.