-- Advertisements --

Patay ang 10 Palestinians na miyembro ng mga militants sa isinagawng military raids ng Israel sa West Bank.

Nakipagpalitan pa ng putok ang mga suspek sa isinagawang raid sa Nablus.

Kabilang sa nasawi ang isang 72-anyos na sibilyan habang mayroong mahigit 100 katao ang sugatan.

Kinondina naman ng Palestine government ang ginawang raid na ito ng Israel.

Kontrolado kasi ng Palestinian militants na Hamas ang Gaza Strip kung saan makailang beses ng nagsagawa ang Israel ng raid.