-- Advertisements --

Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang sampung pulis ng National Capital Region Police Office nang dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang uri ng kaso.

Ito ay matapos na sumailalim ang sampo sa pagdinig sa National Police Commission nang dahil sa kanilang pagkakadawit sa umano’y katiwalian.

Batay sa inilabas na General Order ni NCRPO chief PMGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na pirmado naman ni NCRPO Regional Personnel and Records Management Division PCol. Rodel Pastor kabilang sa mga nasibak sa serbisyo ay sina:


1. PLTCOL JOLET TUTOR GUEVARA
2. PMAJ JASON DOMINGO QUIJANA
3. PMAJ JOHN PATRICK OXALES MAGSALOS
4. PCPT SHERWIN CLETE LIMBAUAN
5. PEMS ARSENIO KAYOYOG VALLE
6. PSSG MARK JINON DEMOCRITO
7. PSSG DANILO LASONA DESDER JR.
8. PSSG ROY GALANG PIOQUINTO
9. PSSG CHRISTIAN CUREG CORPUZ
10. PCP| REXES URSOLUM CLAVERIA

Ang naturang kautusan ay epektibo mula noong Pebrero 12, 2024.

Kabilang sa mga kasong kinakaharap ng naturang mga pulis ay grave misconduct, grave irregularity in the performance of duty, grave neglect of duty, conduct unbecoming of a police officer, less grave misconduct at less grave neglect of duty.