Kinalampag ng mga senador ang mga tanggapan na itinuturing na “top 10 most complained agencies.”
Sa pagtatanong nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara, inamin ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica na marami pa ring tanggapan ang mabagal sa pagtugon sa mga sumbong.
Nangunguna sa mga palaging inirereklamo ang Bureau of Internal Revenue (BIR), pangalawa ang mga lokal na pamahalaan, pangatlo ang LTFRB, pang apat ang SSS, pang lima ang DOLE, pang-anim ang DSWD, pang pito ang DENR, pang walo ang FDA, pang siyam ang Land Registration Authority (LRA) at pang-10 ang PAG-IBIG Fund.
Matatandaang isa sa mga bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag pahirapan ang mga nagpoproseso ng dokumento, lalo na ang para sa maliliit na negosyante at ang mga tinaguriang basic documents.
Sa kasalukuyan, karamihan sa mga transaksyon sa dokumento ay idinadaan na sa online processing.