-- Advertisements --
Sinibak ng Russia ang 10 diplomats ng embahada ng Norway na nakabase sa Moscow.
Ayon kay Ragnhild Simenstad ang tagapagsalita ng Norway embassy, kinausap ng Russian Ministry of Foreign Affairs na dapat ay umalis na sa madaling panahon ang 10 nilang diplomats.
Sinasabing isa umanong pagganti ng Russia matapos na tanggalin ng Norway ang 15 Russian embassy workers nila.
Dagdag pa ng Russian Ministry of Foreign Affairs na dahil sa ginawa na ito ng Norway ay bumaba pa lalo ang bilateral relation ng dalawang bansa.