-- Advertisements --
Nasa 10 mga bilateral meetings ang dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagdalo nito sa ASEAN-EU Commemorative Summit sa Brussels, Belgium.
Ayon kay DFA Assistant Secretary Daniel Espiritu na magiging abala ang pangulo sa nasabing okasyon kung saan lubos na makikinabang dito ay mga mamamayang Filipino.
Makakadaupang palad nito ang mga representatives ng mga bansang Belgium, Estonia, Czech Republic, Spain, Denmark, Germany, Poland, Finland, the Netherlands at European Union.
Nakatakdang umalis sa bansa ang pangulo sa Linggo ng gabi para sa pagdalo nito ng summit na magtatapos ng hanggang Disyembre 14.