-- Advertisements --
Arestado ang 10 katao sa magkakahiwalay na anti-drug operasyon ng PNP sa Quezon City nitong Martes ng gabi.
Unang naaresto ang tatlong magkakaibigan na nagsasagawa ng pot session sa loob ng kotse sa 12th Avenue sa Cubao kung saan nakuha sa kanila ang ilang pakete ng naglalaman ng hinihinalang marijuana.
Sa loob namang ng isang apartelle sa Novaliches naaresto ang mga suspek kung saan tatlo sa mga dito ay minor de edad.
Aabot sa P176,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska dito sa kanila.