-- Advertisements --

CEBU CITY – Patay ang isang tumakas na preso matapos umanong manlaban sa mga rumesponding pulis sa Brgy. Luz, sa lungsod ng Cebu.

Ayon sa Cebu City Police Office (CCPO), ang kinilala ang napatay na preso na si Roberto Ludong na isa sa mga tumakas kasama ang dalawa pang preso sa Mabolo Police Station gamit ang isang matulis na bagay para putulin ang mga rehas sa bilangguan.

Nanglaban si Ludong sa pamamagitan ng pagbaril sa mga awtoridad na tumugon para sa mailbalik ang mga tumakas sa bilangguan.

Kasama ni Ludong ang mga nakakulong na kinilalang sina Oliver Sabala Basak at Nico Urot Baylosis.

Si Basak ay naaresto at ibinalik habang ang isa ay nakatakas at hinahanap pa.

Ayon kay CCPO Director PCol Josefino Ligan sa panayam ng Bombo Radyo Cebu, sangkot ang mga tumakas sa mga kaso ng iligal na transakyon ng drogas pati na rin ang pagnanakaw.

Nanawagan si Ligan sa kang Baylosis na “still at large” na sumuko mapayapa sa mga awtoridad.

Habang iniimbestigahan na ng CCPO ang mga naka-duty na pulis kung saan posibleng kakaharapin nito ang kasong administratiba alinsunod sa ‘jailbreak’.