-- Advertisements --

NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos na pagsasaksakin ng apat na suspek sa Daet, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Ramil Ramos, 47-anyos, residente ng Purok 5, Barangay Calasgasan sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), nabatid na bigla na lamang umanong nilapitan ng mga suspek ang biktima at sinaksak ang leeg nito gamit ang bamboo stick.

Samantala, kinilala naman ang mga suspek na sina Ramonito Camasis Sr, 72-anyos; Ramonito Camasis Jr, 41-anyos; Jomar Camasis, 36-anyos; at Emer Camasis, 34-anyos, residente ng nasabing lugar,

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, agad na dinala sa ospital si Ramos para sa asistensiya medikal.

-- Advertisement --

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad sina Jomar at Emer habang patuloy pa ring pinaghahanap sina Ramonito Sr. at Ramonito Jr. para sa karampatang disposisyon.